Mga Pamahiin - Page 6

Halimbawa ng mga pamahiin

Halimbawa #36
Sa libing, kailangang ihakbang ang mga bata sa ibabaw ng hukay ng yumao upang huwag itong balikan ng kaluluwa ng taong namatay.
Halimbawa #37
Kapag ang hagdan ng bahay ay mayroong labintatlong baitang, ang may-ari ng bahay ay maagang mamatay o kaya ay maghihirap.
Halimbawa #38
Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika-13 ng anumang buwan.
Halimbawa #39
Masamang maglakbay kapag kayo ay labintatlo katao sapagkat malaman na mamatay ang isa sa inyo.
Halimbawa #40
Malas ang gusaling mayroong ika-13 palapag.
Halimbawa #41
Ikaw ay bubuwenasin sa inyong pupuntahan kapag ang kanan ng iyong sapatos ang una mong isinuot.
Halimbawa #42
Masamang magpatong ng sapatos sa mesa sapagkat nagdadala ito ng kamalasan sa buhay o pag-aaway sa pamilya.