Mga Pamahiin - Page 5

Halimbawa ng mga pamahiin

Halimbawa #29
Kapag pinalo ng sandok o kaya ay hinalikan ang isang bata habang natutulog, lalaki itong pilyo o pilya.
Halimbawa #30
Masamang maglagay ng pabango sa isang sanggol sapagkat siya ay kagigiliwan ng mga anghel kaya't malamang na mamatay ito.
Halimbawa #31
Kapag ginupitan ng buhok ang isang batang wala pang isang taong gulang, lalaki itong matigas ang ulo. Gayundin kapag pinutulan ito ng kuko sa gayong edad.
Halimbawa #32
Ang sinumang batang mayroong dalawang puyo o "cowlick" matigas ang ulo.
Halimbawa #33
Masamang ipahalik ang sanggol sa kapwa sanggol sapagkat hindi ito matututong magsalita.
Halimbawa #34
Kapag hinalikan ang sanngol habang dumudumi ito, magiging mabaho ang kanayang hininga paglaki.
Halimbawa #35
Masamang magdaan sa bintana ang isang bata sapagkat malamang na lumaki itong isang magnanakaw o kaya ay magtanan ito kapag nag-asawa.