Gintong Aral


Noong Unang Panahon

Noong unang panahon
nagsaka ang daga
Bag-araro'y baboy,
nagtanim ang pusa
Heto na, heto na
ang munting palaka
May pasang batulang
na may lamang punla.

Noong unang panahon
umihi ang manok
Tubig ay tumigas
bato ay lumambot
Kaya ang lolo ko
sa matinding takot
Sumakay sa hanip
umahon sa bundok.