Noong Unang Panahon

Noong unang panahon nagsaka ang daga Bag-araro'y baboy, nagtanim ang pusa Heto na, heto na ang munting palaka May pasang batulang na may lamang punla.

Noong unang panahon umihi ang manok Tubig ay tumigas bato ay lumambot Kaya ang lolo ko sa matinding takot Sumakay sa hanip umahon sa bundok.