Gintong Aral


Magtanim Ay Di Biro

Magtanim ay di biro
Maghapon kang nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo.

Halina, halina mga kaliyag
Tayo'y magsipag-unat-unat
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas.

Bisig ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binti ko'y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.

Halina, Halina
May pagkasawing-palad
Ang inianak sa hirap
Ang bisig kungdi iunat
Di kumita ng pilak
halina, Halina.