Ako'ng Ibigin Mo

Ako'y ibigin mo lalaking matapang Ang baril ko'y pito ang sundang ko'y siyam Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang Isang pinggang pansit ang aking kalaban!

Ako'ng ibigin mo lalaking matapang Isang bilaong ipa hindi ko mabuhat Isang bakol na kanin isang bilaong sapsap Pag di ko naubos ako'y nilalagnat!