Nakakita na ba kayo ng kasoy? Ito ay hugis kampana, kulay dilaw at matamis pag hinog na. Kaiba sa ibang prutas, ang buto ng kasoy ay nasalabas. Kung bakit nasa labas ang buto ng kasoy ang siyang sasagutin ng alamat na ito.
Sa isang gubat ay may kasayahan. Lahat ng uri ng hayop ay naroroon. Silang lahat ay masasaya, nagkakantahan at nagsasayawan. Hindi kalayuan sa kasayahan ay may isang bagay ang nakikinig at naiinggit sa kapistahang nagaganap. Ito ay walang iba kungdi ang buto ng kasoy.
"Sanay makalaya ako dito sa aking madilim na kinalalagyan!" Dasal ng buto ng kasoy.
Nagpatuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang dasal ng buto ng kasoy. Sa mga oras na iyon ay may isang engkantada na naakit sa ingay ng kasayahan. Naganyak siyang makisaya sa mga hayop. Sa gitna ng pagdiriwang ay may naulinigan ang engkantadata, isang tinig ng naghihirap at humihingi ng tulong.
Nagsalita ag engkanada. "Sino kaya iyon, kawawa naman siya."
Naririnig siya ng buto ng kasoy. "Oh, makapangyarihang engkantada! Para mo nang habag, ilabas mo ako dito!" Sagot ng buto.
Naawa ang engkantada. Sa isang kumas niya ay biglang lumabas ang buto ng kasoy. Tuwang-tuwa ang buto sa kagandahan ng paligid. "Butihing diwata, nais ko sanang manatili dito sa labas. Ayoko nang bumalik sa madlim na pinanggalingan ko," pakiusap ng buto ng kasoy sa engkantada.
Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng buto. Wala namang pagsidlang sa tuwa ang buto ng kasoy. Pagkaraan ng ilang oras ay tapos na ang pagdiriwang. Nagsiuwian na ang lahat at buong paligid ay nalukuban ng katahimikan. Hindi nagtagal, ang langit ay nagdilim. Lumakas ang ihip ng hangin at bumagsak ang isang malakas na ulan. Malakas ang kulog at matalim ang kidlat.
Sa pagsungit na ito ng panahon ay natakot ang buto ng kasoy. Muli siyang tumawag sa engkantada. Oh, maawaing diwata. Pakinggan mo ako. Ibalik po ninyo ako sa aking silid. Basang-basa na ako at giniginaw na. Nakkatakot pala dito sa labas! Pagmamakaawa ng buto ng kasoy.
Subalit anumang dasal ang gawin niya ay walang kasagutang nangyari dahil sa wala sa kapaligiran ang engkantada. Nang tumigil na ang unos ay muling nagpakita ang engkantada. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos hindi na magawang magsalita.
Nagsalita ang engkantada. "Ito'y isang aral sa iyo. Ang lahat ng bagay ay may dapat na kalalagyan. Ito ay kailangan mong tanggapin dahil sa ito ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos! Pagkasabi nito ay naglaho na ang engkantada. Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng prutas.