Carlos Garcia

Ang ikaapat na pangulo ng Republika ng Pilipinas (Marso 18, 1957 - Disyembre 30, 1961)

Isinilang: Nobyembre 4, 1896 sa Talibon Bohol
Mga magulang: Policarpio Garcia at Ambrosia Polistico
Asawa: Leonila Dimatiga
Namatay: Hunyo 14, 1957 sanhi ng atake sa puso.

Nakilala sa kanyang patakarang "Pilipino Muna" at sa programa sa pagtitipid. Ang pangingibabaw ng mga dayuhan sa ekonomiya at ang pagiging palaasa ng Pilipinas sa Estados Unidos ay naging malaking sagabal sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino. Kaya naman inilunsad ni Pang. Garcia ang patakarang "Pilipino Muna" (Filipino First Policy). Nagbigay ito ng pagkakataon sa mamamayang Pilipinong manguna sa mga karapatan at pagkakataong magpapaunlad sa kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan o taga-ibang bansa. Kabilang dito ang pamamahala sa mga industriya, pagtangkilik sa sariling produkto, at paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.

Sa kanyang panunungkulan ay nakipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga bansang Thailand at Malaysia para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa. Binuo ng magkakalapit na bansa ang Association of Southeast Asia (ASA).