Ang Pinagmulan Ng Olongapo

Noong araw may mag-kasintahan na
pinaghiwalay ng magulang ng babae
dahil sa malaki ang agwat ng kanilang
edad, malaki ang tanda ng lalaki kay nene.
Ang pangalan ng lalaki ay si Apolinario
o Apo.

Isang hapon nagkita ang magkasintahan
sa palengke, sa sobrang pagmamahal ni
Nene kay Apo napilitan siyang sumama
sa lalaki at nag-sasama sila sa isang bahay
malayo sa bayan at tabing dagat.

Masaya silang nagsasama at nag-tutulungan.
Isang hapon may malaking barko ng
mga kastila ang dumaong malapit sa
kanilang bahay.

Habang si Nene ay naglalaba nakita
siya ng mga lasing na kastila, pinilit siyang
halayin ng mga kastila, pero nakita ito ni
Apo, napilitan na lumaban si Apo, pero
wala siyang magawa, hanggang sa nagulpi
siya ng mga kastila.

Sa galit ng mga kastila ay pinugot nila
ang ulo ni Apo para hindi ito pamarisan
ay isinabit nila ang ulo sa kawayan at
ipinakita sa mga tao, sa takot ng mga
tao tinawag nila ito ng ulo ng Apo.

Dito kinuha ang OLONGAPO.