Ang Pinagmulan Ng Bulacan

Noong unang panahon may isang babae
na may malawak na lupain.
Hindi naman niya ito mataniman
dahil sa puro bato. Nalungkot
ang babae dahil walang
pakinabang ang lugar.

Isang araw laking gulat
niya ng may tumubong
mga puno na tuwid. Hinayaan
niya ito, hanggang sa lumaki.

Mga ilang buwan, namunga ang
puno pero hindi naman
makain at maraming buto.

Nalungkot muli ang babae
at nawalan ng pag—asa.
Gusto niya itong ipaputol
pero wala naman siyang
pambayad sa tao.

Hanggang sa napadaan naman
ang isang lalaki na
naghahanap ng malambot na
bagay para magawa niyang
pansapin sa upuan.

Nakita niya ang bunga na
nakatumpok sa isang tabi,
agad niya itong binuksan at
nakita niya na bulak ang laman.

Tuwang—tuwa ang lalaki
at nag—paalam sa may ari na
kukunin niya lahat ng bunga.

Tuwang-tuwa din ang babae
dahil sa may bumili ng mga bunga.

Hanggang sa nagkasundo
ang dalawa na ang malawak
na pook na ito na taniman ng
kapok o bulak ay tawagin nila ng
bulakan.

Mula noon ang lugar na
malawak ay naging bulakan.
Ito ang alamat ng BULACAN.